Muling magbabalik si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa pagho-host ng "Tadhana," ang weekly drama anthology ng GMA na tumatalakay sa buhay ng mga overseas Filipino workers (OFW).

Nitong nakaraang Marso, pansamantalang iniwan ni Marian ang hosting job ng "Tadhana" para sa paghahanda ng kaniyang pagsilang sa ikalawang baby nila ni Dingdong Dantes na si Ziggy.

READ: Marian Rivera, nanganak na

Pansamantala naman humalili kay Marian sa naturang programa si Dingdong.

READ: Alamin kung sino ang hahalili kay Marian Rivera bilang host ng 'Tadhana'

Sa Hulyo 27, magbabalik na si Marian sa Tadhana sa two-part special na itatampok ang kuwento ng dalawang Pinay OFW na magkaibigang nagtrabaho bilang mga kasambahay sa Singapore.

Ngunit mauuwi sa malagim na krimen ang pagkakaibigan ng dalawa nang dahil sa isang lalaki.

Tunghayan ang kanilang kuwento na pagbibidahan nina Thea Tolentino, Mikee Quintos at David Licauco.-- FRJ, GMA News