Usap-usapan ngayon ang diumano'y breakup ng Kapuso stars na sina Julie Anne San Jose at Benjamin Alves, matapos mag-post ang una sa kaniyang new look na short hair.

Sa Star Bites report ni Cata Tibayan sa GMA News "Balitanghali" nitong Huwebes, sinabing napapatanong ang followers ni Julie kung ano ang ibig sabihin ng kaniyang short hair.

 

 

Sumagot naman si Julie.

"Controversial. Why? Why though? Ha! Ha! Wala lang, para mas bagong look lang."

Kaniya pang paliwanag, wala rin kinalaman ang kaniyang short hair sa caption niya sa isang IG post na "thank u, next."

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

thank u, next

A post shared by JULIE ANNE SAN JOSE (@myjaps) on

 

"Everyone is actually, you know, everyone's been talking about it and everyone loves that song. So 'yun, nakaka-LSS din kasi siya sobra, and yeah, 'yun lang naman, nothing else," saad ni Julie. — Jamil Santos/LA, GMA News