Inilahad ni Ruby Rodriguez kung ano ang kaniyang ipinayo sa kapwa niya "Eat Bulaga" Dabarkads na sina Pauleen Luna at Maine Mendoza pagdating sa pag-ibig.
Sa isang video ng GMA Network, sinabi ni Ruby na mas pipiliin niyang magbigay ng payo kung magtatanong lang sila.
"Only if they ask. Kasi I don't wanna meddle. Kasi parang unsolicited advice is not really nice. Pero kung minsan ang makikita kong tahimik, may problema," saad ni Ruby.
Pagdating sa pag-ibig, pareho lang siya ng ipinayo kina Maine at Pauleen.
"I told them both the same. Follow your heart. 'Cause if you always follow your mind, in the end your heart suffers. So follow your heart, but remember to put your head on your shoulder," saad niya.
Mayroon ding paalala si Ruby na huwag dapat kalimutan ng kaniyang kapwa Dabarkads.
"And I always say, give everything, sige lahat na. But always leave dignity for yourself," anang tv host-actress.
Ipinagdiwang nina Pauleen at Bossing Vic Sotto ang kanilang ika-apat na wedding anniversary nitong Enero.
Happily in love naman si Maine sa kaniyang nobyong si Arjo Atayde.--Jamil Santos/FRJ, GMA News
