Nakabalik na sa Pilipinas si Miss Eco International First Runner Up Kelley Day matapos na hindi kaagad makauwi nang magpositibo sa COVID-19 ang ilan niyang kapwa kandidata.
Sasailalim si Kelley sa quarantine at swab test, alinsunod sa protocols ng pamahalaan sa gitna ng COVID-19 pandemic, ayon sa GMA News "Unang Balita" nitong Martes.
Itinanghal bilang first runner up si Kelley sa naturang paligsahan na ginanap sa Ehipto noong Abril 5.
Si Gizzelle Mandy Uys ng South Africa ang itinanghal na Miss Eco International, habang si Alexandria Kelley ng USA ang second runner-up.--Jamil Santos/FRJ, GMA News
