Makaraang maging engaged noong June 2020, ikinasal na ang aktres na si Ritz Azul sa kaniyang non-showbiz boyfriend.

Sa Instagram posts ni Ritz nitong weekend, sinabing naganap ang kasal nila ni Allan Guy sa Baguio City.

Gawa ni Mak Tumang ang eleganteng wedding gown na isinuot ni Ritz.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Ritz Alzul (@ritzazul)

 


Sa mga nakaraang panayam, sinabi ni Ritz na si Allan ang kaniyang unang nobyo.

Nagkakilala ang dalawa noong 2016 at naging engaged noong nakaraang taon.— FRJ, GMA News