Stunning sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo sa kanilang all-white na mga outfit nang ganapin ang kanilang kasal.

Sa kanilang mga Instagram, makikita ang pagiging very sweet at intimate ng DenJen suot ang kanilang white suits.

All-out ang support ng fans at mga kaibigan nina Jennylyn at Dennis sa kanilang pag-iisang dibdib.

Samantala sa kaniyang vlog, patuloy na nag-a-update si Jen sa kaniyang pregnancy journey.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Pat Dy (@patdy11)

Idinetalye ni Jen sa kaniyang latest episode ang mga pagbabago sa bagong yugto ng kanilang relasyon.

Ibinahagi rin ni Jen ang kaniyang cravings.

Hindi naman mapigilan ni Dennis na maging emosyonal sa kaniyang vlog.

"Marami akong mga pagkakamali noon, mga pagkukulang sa pagiging tatay, sa pagiging ama. Sa pagkakataong ito, gusto kong bumawi," sabi ni Dennis.

Ikinasal na ang Kapuso couple ilang linggo matapos ang kanilang engagement. – Jamil Santos/RC, GMA News