Aminado si Iya Villania na nagiging emosyonal siya sa tuwing napag-uusapan ang kaniyang pamilya--lalo na ang kaniyang mga anak.

"Nagiging mahina ako kapag usapang sa mga anak ko na, sa pamilya ko," sabi ni Iya sa programang "Mars Pa More."

"Sobra. Nanghihina talaga ako because there are days na tinitingnan ko lang talaga sila and I'm just so grateful," paliwanag ni Iya.

Ayon kay Iya, ipinagpapasalamat niya sa Panginoon ang kaniyang pamilya.

"Sa sobrang grateful ako kay Lord, talagang sumasabog 'yung puso ko na sabay ang pagsabog ng tears ko, because I really feel that I get to experience God's love everyday through the love of my children," sabi pa ni Iya.

--FRJ, GMA News