Binalikan ni Ina Feleo kung paanong naging proud sa kaniya ang yumaong ama na si Johnny Delgado, sa kabila ng kaniyang mga naranasang kabiguan noong bata pa.

Sa kaniyang Instagram, nagbahagi si Ina ng ilang larawan ng bonding moments nila ni Johnny noong bata pa siya, bilang pag-alala sa ama sa ika-13 death anniversary nito.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Ina Feleo (@ina_feleo)

Sumali noon si Ina sa skating competition.

Nabigo siya sa naturang kompetisyon, pero proud at puno pa rin ng pagmamahal ang kaniyang ama sa kaniya.

"How lucky I am to have had him as my dad. This day, this competition I had the worst skate of my life, falling all over the place. But here he is looking at me still so proud and full of love," caption ni Ina.

"I wouldn’t have achieved any of the things I achieved today if it were not for my parents. Love these photos that really show the relationship we had. Juan Marasigan Feleo #bestdadever #johnnydelgado" dagdag niya.

Pinost ito ni Ina ilang araw matapos ang death anniversary ng kaniyang ama noong Nobyembre 19.

Samantala, humingi rin ng panalangin ang kaniyang kapatid na si Ana Feleo para sa yumaong ama.

Pumanaw si Johnny, o Juan Marasigan Feleo sa totoong buhay, sa edad 61 noong Nobyembre 19, 2009 dahil sa lymphoma. Na-diagnose siya na may sakit na cancer noong 2008. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News