Inihayag ni Joyce Pring na malapit na niyang matupad ang kaniyang pangarap na makapagtapos ng kolehiyo.

Sa Instagram, inilahad ng TV host na muli siyang nag-aral noong 2023, matapos huminto sa kolehiyo mahigit isang dekada na ang nakararaan.

Sa kaniyang caption, sinabi ni Joyce na “crushed” siya dahil 18-anyos lang siya noon nang kinailangan niyang huminto sa pag-aaral at magtrabaho dahil sa mga dumaang pagsubok sa kaniyang pamilya.

"I carried that pain and shame well into my young adulthood," sabi ni Joyce. "I used to think about my 'wasted' potential — what I could've become if I had been given the chance to finish."

"But in my mid-20s, I began to realize: even though I didn't follow the traditional path, God still made much of my life," pagpapatuloy niya.

Sinabi ni Joyce na sa kaniyang 13 taon sa media industry, nag-anchor na siya ng isang palabas sa radyo, nagho-host araw-araw sa TV, at napanatili ang isang magandang karera.

Ngunit noong 2023, hinikayat siya ng kaniyang manager at mentor na si Mama Betchay na ituloy ang kaniyang undergraduate degree.

"I always wondered what she saw in me that would render such palpable confidence that I could, on top of being a wife, new mom, and a career woman, achieve something so consuming... but she never relented. So I finally obeyed," saad ni Joyce. 

Sinabi ni Joyce na gusto niyang isara ang “chapter I'd left open 15 years ago." Nag-enroll siya sa University of Perpetual Help System DALTA para ituloy ang degree na Bachelor of Arts in Communication.

"I wanted to fulfill this dream, because diploma o diskarte is a false dichotomy; one can do both, even if it's a long and arduous journey," sabi ni Joyce.

Habang naghihintay si Joyce na magmartsa at kunin ang kaniyang diploma, nagpasalamat siya sa faculty, sa kaniyang dean, at thesis advisor, at iba pa.

Binigyang-pugay din niya ang kaniyang asawang si Juancho Triviño, na kaniyang "constant encourager."

"Juancho, your love and leadership have radically transformed me; my greatest treasure, second only to Jesus, is to be called your beloved," sabi niya.

 


--FRJ, GMA Integrated News