Inihayag ni Ruru Madrid na sunod na gusto niyang masubukan sa kaniyang career ang maging isang direktor.
Ayon sa GMA News Unang Balita nitong Biyernes, inilahad ito ni Ruru sa guesting niya kamakailan sa “Fast Talk with Boy Abunda.”
Sinabi rin ng aktor na na-challenge at minahal niya ang kanilang action-packed series na “Lolong.”
Ayon pa kay Ruru, naging matagumpay ang series dahil sa collaborative effort ng production team at cast members.
Sinabi ni Ruru na fulfilling na siya mismo ang gumagawa ng kaniyang stunts.
“I guess Tito Boy, in the case of Lolong, hindi ako kailan man magpapaalam sa karakter na ito dahil habambuhay na po siyang nakatatak sa puso’t isipan ko. Dahil katulad nga po ng lagi kong sinasabi, ‘yung Lolong talaga ‘yung nagpabago sa buhay ko. So ito po ‘yung lagi kong panghahawakan habambuhay,” sabi niya.
Sinabi naman ni Martin Del Rosario, na mortal na kaaway ni Ruru sa series, “satisfying” ang ending na dapat abangan sa “Lolong: Pangil ng Maynila,” ngayong Biyernes ng gabi. --Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News
