Inihayag ni Paolo Contis na gusto niyang maging isang direktor balang araw, at magiging isa siyang estrikto at perfectionist na direktor.

“Darating 'yung panahon na 'yun na gusto kong mag-direk. Medyo strict siguro akong... I'm very observant, I'm very strict about my work. I love my work,” sabi ni Paolo sa kaniyang guesting sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Martes.

“So naiinis ako sa mga ibang tao na or sa mga... Minsan ‘pag katrabaho mo, hindi siniseryoso 'yung trabaho. So feeling ko ‘pag nagdirek ako, I'll be a perfectionist... Sana, sana,” dagdag niya.

Ngunit kung magiging direktor, bibigyan din ni Paolo ang mga aktor ng pagkakataon kung ano ang gusto nilang gawin bilang artist.

“Actually, ang pinaka-importante para sa akin, there are the directors kasi who really... they don't listen to their actors. And it's so hard to act kapag 'yung direktor mo ay pinipilit kung ano ang gusto niya,” sabi niya.

“That's para sa akin 'yon 'yung mga panahon na hindi ko nagagawa 'yung gusto ko. So, especially I'm an actor, kung dumating 'yung panahon na mag-direk ako, I want to listen to my actors. Kung hanggang saan lang sila, kung ano lang 'yung kaya nila,” dagdag ni Paolo.

Idiniin pa ng Kapuso actor na mahalaga ang collaboration sa pagitan ng direktor at mga aktor.

“Importante masaya 'yung set. Lalo ‘pag professional lahat. Mahirap na nga 'yung trabaho natin,” ani Paolo, na sumang-ayon naman kay Tito Boy na dapat na may safe space rin dapat para mga artista. – FRJ GMA Integrated News