Napanatili ng mga Pinoy sa abroad ang mataas na personal remittances o perang ipinapadala nila sa Pilipinas noong November 2021, ayon sa datos na inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) nitong Biyernes.

Ayon sa BSP,  umabot sa $2.77 bilyon ang personal remittances noong Nobyembre, mas mataas ng 4.8% mula sa $2.643 bilyon na naitala noong 2020 sa kaparehong buwan.

Mula Enero hanggang Nobyembre 2021, kumabig ang personal remittances ng $31.586 bilyon, mas mataas ng 5.3% mula sa $29.988 bilyon sa kaparehong panahon noong 2020.

“The increase in personal remittances in November was due to remittances sent by land-based workers with work contracts of one year or more, which grew by 6.3% to $2.137 billion from $2.01 billion in the same month last year, and sea- and land-based workers with work contracts of less than one year, which rose by 1% to $581 million from $575 million a year ago,” ayon sa BSP.

Ang cash remittances, o money transfer na dumaan sa mga bangko, umabot sa $2.502 bilyon noong November 2021, na mas mataas naman ng 5.1% mula sa $2.379 bilyon sa kaparehong panahon noong 2020.

“The expansion in cash remittances was due to the increase in receipts from land-based and sea-based workers, which grew by 6.3% (to $1.968 billion from $1.852 billion) and 1.2% (to $534 million from $527 million), respectively,” ayon sa central bank.

Mula Enero hanggang Nobyembre 2021, ang cash remittances ay umangat ng 5.2% sa $28.43 bilyon mula sa $27.013 bilyon noong nakaraang taon.

“The growth in cash remittances from the United States (US), Taiwan, and Malaysia contributed largely to the increase in remittances in January-November 2021,” sabi ng BSP.

Sa bawat bansa, ang US ang mayroong pinakamataas na overall remittances na 40.7% sa unang 11 buwan ng 2021. Sumunod ang Singapore, Saudi Arabia, Japan, United Kingdom, the United Arab Emirates, Canada, Taiwan, Qatar, at South Korea.

“The combined remittances from these top ten countries accounted for 78.9% of total cash remittances during the period,” ayon sa BSP.

Ayon kay Rizal Commercial Banking Corp. chief economist Michael Ricafort, ang overseas Filipinos’ remittances pa rin ang nananatiling "bright spot" para sa ekonomiya ng Pilipinas.

May mga OFW na umano ang nakabawi na sa pandemya at nakabalik na sa trabaho.

“OFW remittances and conversion to pesos are expected to have seasonally increased in fourth quarter especially in preparation for the Christmas holiday/spending season, as consistently seen for many years/decades, thereby could have supported faster growth in consumer spending, which accounts for at least 70% of the economy, and would also support GDP/economic recovery prospects, going forward, as a bright spot and a major pillar for the country’s economic recovery program,” paliwanag ni Ricafort. — FRJ, GMA News