Dating tumitira noon sa maliit na bahay-kubo, nahanap ng isang Pinay ang kaniyang "American dream" at malapit nang matupad ang pangarap na maging isang doktor.

Sa ulat ni Pia Arcangel sa Saksi, makikita ang larawan ng walong taong gulang noon na si Cielo Robles kasama ang kuya na si Carlito sa kanilang kubong tahanan sa Malolos, Bulacan.

Taong 2002 nang magtrabahong nurse sa Amerika ang kanilang ina at nakapag-migrate silang mag-anak.

"It wasn't until we came to the US and I saw a mattress, like sleeping on a mattress. In the Philippines it's common to slip on a banig or things like that. And so it wasn't until I came to the US and got exposure to a house that has a bathroom in it, easy access to running water," sabi ni Cielo.

Malayo na ngayon ang narating ni Cielo matapos ang dalawang dekada, na nakapagtapos na ng kursong Human Biology mula sa prestihiyosong Cornell University.

Nakapasok na si Cielo sa Medical School ng Michigan State University bilang scholar ng US Navy nitong Agosto, at lumahok sa tradisyunal na white coat ceremony.

"It symbolizes the beginning of a physician's journey. You typically get it right before you start your first year of medical school. It's a really special ceremony," anang dalaga.

Para sa seremonya, hiniling ni Cielo na ang kuyang si Carlito, isa na ngayong physician assistant, ang magsuot sa kaniya ng white coat.

"I just thought it would be such a special moment for us to share because we have been on this journey together. I was by his side while he was applying to PA schools. And then we were living together when he was finishing a PA school and I was applying and interviewing for medical school," sabi ni Cielo.

"This dream of working in a medical field, we've had this since we were fairly young," dagdag niya.

Nag-viral at napabalita pa sa Amerika ang post ni Cielo at ng kaniyang kuya noong mga maliliit pa, at ang tagumpay nila ngayon.

"Something my dad always told me growing up is don't be afraid to dream big and you go after it," sabi ni Cielo. —LBG, GMA News