Patay at ginahasa pa umano ang isang batang limang-taong-gulang sa San Fernando, Camarines Sur.

Ayon sa ulat sa GMA News TV “QRT” nitong Miyekules, sinabing sumuko ang suspek matapos na makonsensiya sa kaniyang ginawa.

Pumunta sa estasyon ng pulis si Gilbert Zantua, at umaming siya ang gumahasa at pumatay sa bata.

Bago iyan, tatlo na ang tumestigo laban sa suspek.

Base sa imbestigasyon, sinakal ni Zantua ang biktima.

Nawala ang bata noong October 1 at natagpuang patay kinabukasan.

Inilibing na nitong Miyekoles ng umaga ang bata, na magdiriwang sana ng kanyang kaarawan sa October 19. —NB/FRJ, GMA News