Patay ang isang 32-anyos na lalaki sa Misamis Oriental matapos umano itong palakulin ng sarili niyang ama, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes.

Kinilala ang biktima na si Marjun habang ang suspek naman ay kinilalang si Enerio.

Ayon sa pulisya, nag-iinuman lang ang mag-ama kasama pa ang isang anak nang magkainitan umano dahil sa hindi raw patas na pagtrato ng ama sa magkapatid.

Naghagis pa raw si Marjun ng bato sa kanilang bahay, dahilan upang magalit ang ama. Kumuha raw ito ng palakol at pinagtataga ang anak hanggang sa masawi ito.

Sa ngayon ay hndi pa natatanggap ng pamilya ang mga pangyayari ngunit ayon sa ina, sana ay huwag ng makulong ang kanyang asawa.

Ayon anman sa pulisya, magsasampa pa rin sila ng kaso at hahayaan na ang korte na mismo ang magdesisyon dito. —Sherylin Untalan/KBK, GMA News