GENERAL LUNA, Quezon —Mahigit 300 residente ng bayan ng General Luna, Quezon ang sabay-sabay na nagsagawa ng penitensya ngayong Biyernes Santo.

Karamihan sa nga lumahok ay kabataan.

Ayon sa mga nagpepenitensya, ang gawain raw na ito ay hindi isang palabas lamang kundi pamamanata tuwing Biyernes Santo.

Photos by Peewee Bacuño
Photos by Peewee Bacuño

Sa ganitong paraan daw ay mararamdaman nila ang paghihirap ni Kristo.

Nalilinis rin umano ang kanilang mga nagawang kasalanan. —LBG, GMA News