Patay ang dalawang senior citizen, at 10 ang sugatan matapos humantong sa stampede ang payout umano ng isang grupo ng mga kandidato para sa watchers sa Barangay Tumaga sa Zamboanga City.
Sa ulat ng 24 Oras Weekend nitong Sabado, mapanonood sa video na dumagsa ang mga tao para makapasok sa isang hotel.
Sa isang video ng isang netizen, isang babae ang pinilit nang hilahin nang maipit sa dagsaan ng mga tao.
Patuloy ang pagsasagawa ng imbestigasyon ng pulisya sa naganap na pagtitipon.
Samantala sa isang hotel sa Barangay Pasonanca, nawalan ng malay ang nasa 11 residente dahil sa pagod at gutom, na karamiha’y mga senior citizen.
Ayon sa mga residente, naghihintay rin sila ng paunang bayad bilang watcher galing sa mga kandidato na hindi nila pinangalanan.
Ayon sa Comelec, nauna na nilang ipinag-utos sa kapulisan ang pag-disperse sa mga tao sa mga payout sites sa Zamboanga City. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News
For more Eleksyon 2025 related content and updates, visit GMA News Online's Eleksyon 2025 microsite.
