Nabisto ng mga awtoridad ang mahigit 4,000 ecstasy tablets na nasa loob ng dalawang parcels na idineklarang “car mats” sa Port of Clark sa Pampanga.
Sa ulat ng GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Lunes, sinabing aabot sa P7 milyon ang halaga ng mga ecstasy na galling sa Austria.
Batay umano sa records, idi-deliver ang naturang kargamento sa isang consignee sa Davao City.
Sinuri umano ang ilegal na droga ng mga tauhan ng Bureau of Customs, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at mga pulis.
Patuloy ang imbestigasyon para malaman sino ang nasa likod ng naturang shipment.— FRJ GMA Integrated News
