Kung malalaman ang kasarian ng alimango sa guhit sa ibabang bahagi ng kanilang katawan, paano naman malalaman ang kasarian ng talaba o oyster?
Sa programang "AHA," pinuntahan ni Arianne Bautista ang isang oyster farm sa Bohol para alamin ang buhay ng mga talaga na "itinatamin" sa tubig na naghahalo ang tabang at alat.
WATCH: Paano malalaman kung ang alimango ay girl, boy, o bakla?
Apat hanggang anim na buwan bago "anihin" ang talaba na kayang mabuhay ng hanggang 20 taon.
Kung papaano naman malalaman ang kasarian ng talaba, sinabing may kakayahan ang talaba na magpapalit-palit ng kasarian bilang babae at lalaki.
Panoorin ang naturang episode ng "AHA" para malaman ang mabuting dulot ng talaga sa kalusugan at kalikasan:
Click here for more GMA Public Affairs videos
-- FRJ, GMA News
