Maaari na ring maging kabahagi ang Kapuso netizens sa pagbabantay sa idaraos na Eleksyon 2025 sa Lunes, May 12, 2025.

Inaantabayanan na ng Kapuso Digital Action Center ang YouScoop submissions o ipadadala ng netizens.

Maaaring ibahagi sa YouScoop ang mga katanungan kaugnay sa botohan o nahuli-cam na kuwento tungkol sa eleksyon.

Ang mga entries ay puwedeng ipadala sa YouScoop Facebook page o i-post sa YouScoop Facebook group.

Maaari ding i-post ang mga ito sa sariling social media accounts at gamitin lang o lagyan ng #YouScoop.-- Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News

For more Eleksyon 2025 related content and updates, visit GMA News Online's Eleksyon 2025 microsite.