Kinagiliwan ng netizens ang isang super clingy na aso na hinabol ang kaniyang among nakasakay na ng ride-hailing app at papasok sa trabaho. Kaya naman ang kaniyang amo, nagpa-late na lang para maihatid pabalik ng bahay ang kaniyang furbaby.
Sa ulat ni Mariz Umali sa State of the Nation, mapapanood na malayo-layo na ang narating nina Angela Ga at ng humahabol na asong si Pappi. Papalabas na ng highway ang sinasakyang ride-hailing app ni Angela.
Pero inuna muna ni Angela ang kaligtasan ni Pappi kaya kahit ma-late sa trabaho, sinakay niya ito pabalik sa bahay.
Labis ang pag-aalala ni Angela lalo na’t pilay ang kaniyang alaga.
Malaki ang pasasalamat ni Angela sa rider na nagmagandang loob na magpalit muna ng ruta para maiuwi si Pappi.—Jamil Santos/AOL, GMA Integrated News
