Rehistradong botante na ang Kapusong si Barbie Forteza matapos na magtiyagang pumila ng 4:00 ng madaling araw.

Sa kaniyang post sa Instagram, ipinakita ang larawan ni Barbie na nakatalungko sa bangketa habang naghihintay na makapagparehistro nitong Huwebes.

"Nagsimulang pumila ng 4AM at ngayon ay rehistrado na ko!," saad ng aktres.

Hinikayat din ni Barbie ang kaniyang followers na magparehistro.

 

 

"Puwede pa pong humabol sa pagpaparehistro para makaboto," payo niya.

Hanggang sa Setyembre 30 ang deadline ng voter's registration para sa mga nais bumoto sa Eleksyon 2022.

Ilang mall naman ang katuwang ng Comelec na puwedeng puntahan ng mga nais magparehistro.— FRJ, GMA New