Nalunod ang isang ina sa ilog sa Salcedo, Ilocos Sur nitong Miyerkules habang sinasagip ang kaniyang anak.

Naliligo lang sa ilog ang sampung taong gulang na anak ni Jona Alcantara nang nakita niyang tila nalulunod ito, ayon sa ulat sa Unang Balita nitong Huwebes.

Mabilis nitong sinagip ang bata ngunit siya naman ang nalunod. 

Agad na rumesponde ang mga rescuer para maihaon ang biktima.

Sinubukan din itong i-CPR subalit hindi na siya nailigtas. Ayon sa pulisya, mahigit walong talampakan ang lalim ng ilog. — Sherylin Untalan/VBL, GMA News