Sugatan ang mag-asawang sakay ng kanilang sasakyan matapos sumalpok ito sa isang trak ng basura sa Cainta, Rizal nitong Linggo ng umaga.

Nangyari ang aksidente sa Imelda Avenue sa Barangay Sto. Domingo, ayon sa ulat ni Luisito Santos sa Super Radyo dzBB.

Wasak ang harapan ng Mitsubishi Adventure ng mag-asawa.

Ayon kay JL Santos ng Cainta Municipal Protection and Safety Office, naipit ang dalawang biktima.

Kinailangan pa nilang gumamit ng spreader cutter para mailigtas ang mag-asawa.

 

 

 

Nagtamo raw ng sugat sa ulo at bali sa tuhod ang mga biktima.

Naidala na sila sa Cainta Municipal Hospital.

Ayon sa mga nakasaksi sa insidente, mabilis ang takbo ng sasakyan ng mga biktima bago nangyari ang aksidente.

Inamin umano ng babaeng biktima na nakainom sila, ayon kay Santos. â€”KG, GMA News