Iniimbestigahan ng mga awtoridad ng Negros Occidental ang pagkamatay ng ilang alagang kambing na iniwang  wala nang mga lamang-loob.

Sa ulat sa Unang Balita nitong Biyernes ni Lou-Anne Mae Rondina ng GMA Regional TV One Western Visayas, pawang wala ng mga lamang-loob ang apat na kambing nang matagpuan ang mga ito.

Nangyari ang insidente sa Barangay Basak, Cauayan, Negros Occidental.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, posible umanong mga pagala-galang mga aso ang umatake sa mga kambing.

Dagdag ng ulat, hindi umano ito ang unang beses na nakatanggap ang mga awtoridad ng reklamong may pinatay na mga alagang hayop ang mga aso.

Magsasagawa ng sariling imbestigasyon ang Municipal Agriculture Office ng Cauayan kaugnay ng insidente. —LBG, GMA Integrated News