Sinabi ni Mikoy Morales na hindi niya pinagdudahan ang kaniyang seksuwalidad, pero “nag-explore” pa rin siya dahil sa mga ginagawa niyang gay roles.
“Never [akong] naging confused, but I explored. There was a time na I thought I was bi (bisexual),” sabi ni Mikoy sa cooking talk show na “Lutong Bahay.”
Paliwanag ni Mikoy, ginawa niya ang pag-e-explore para matuto pa sa mga ginagampanan niyang roles.
“Siguro partly related dahil sa puro gay roles ‘yung nakukuha kong roles, so andoon ako sa exploring my life outside the roles, also, on how to make the roles better. Parang better understanding,” paliwang ng Sparkle actor.
Inamin ng kaniyang fiancée na si Isa Garcia na dahil dito, may pagkakataong napaisip din siya tungkol kay Mikoy.
“Noong una medyo may confusion din, like, paano ba magre-react doon. Kasi noong the fact na ‘yung magiging boyfriend ko or ‘yung boyfriend ko artista na with sobrang daming kailangang gawing roles, na gay roles pa, meron kang iisipin na, ‘Totoo ba ‘yun or hindi?’” sabi ni Isa.
Gayunman, pinasalamatan ni Isa ang pagiging tapat ni Mikoy tungkol sa pinagdadaanan nito.
“Super na-appeciate ko ‘yung sinabi niya pa rin na nag-e-explore siya. And I think that was enough for me na maging super okay about it,” sabi ni Isa.
Naging engaged na sina Mikoy at Isa nito lang Pebrero.
Kasama si Mikoy sa primetime series na "Lolong: Bayani ng Mga Bayan" na pinagbibidahan ni Ruru Madrid. Napapanood ito gabi-gabi pagkatapos ng GMA News "24 Oras" sa ganap na 8 p.m. -- FRJ, GMA Integrated News
